Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl Al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Naglabas ng pahayag ang Hukbong Sandatahang Lakas ng Yemeni, na nag-aanunsyo na magsisimula sila ng aerial blockade laban sa rehimeng Israeli bilang tugon sa desisyon nitong para mas lalo pa nilang palawakin ang mga operasyong militar laban sa Gaza.
Sinabi ng pahayag na ang pangunahing pokus ng mga pag-atake na ito ay sa mga paliparan ng Israel, lalo na sa Ben-Gurion International Airport.
Binalaan din ng pahayag ang mga internasyonal na airline, na para pigilan ang paglipad sa mga paliparan ng Israel at seryosohin ang mga inilabas na babala, upang maprotektahan ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero at sa iba pa ang kanilang mga kababayan.
Binigyang-diin din ng Hukbong Sandatahan Lakas ng Yemen, na ang bansang Yemen ay isang bansang malaya, minamahal, at independiyenteng bansa at hindi mananatiling tahimik sa harap ng mga agresibong patakaran at pagtatangkang ipataw ang kalooban nito sa mga bansang Arabo, lalo na sa Lebanon at sa Syria.
Ang pahayag ay nagbabasa: "Ang bansang ito ay hindi kailanman natakot para harapin ang kanilang mga kaaway at hindi sila susuko." Ang Diyos ang aming katulong, at ang tagumpay ay mapapabilang sa bansang Yemen at lahat ng mga malalayang tao ng bansang Islam ay ang kanilang susuportahan.
.................
328
Your Comment